Dagupan City – ‎Nagkaroon ng pagbisita sa Salapingao Elementary School kaugnay ng isinusulong na mga panukalang proyektong pang-imprastruktura at site development.

Pinangunahan ito ng kinatawan mula sa lokal na pamahalaan, katuwang ang pamunuan ng paaralan na pinamumunuan ni OIC Mila Z. Solis.
‎
Bahagi ng nasabing aktibidad ang pormal na turnover ng mga food supplies para sa 98 mag-aaral ng elementarya.

Isasagawa ang distribusyon sa ilalim ng pangangasiwa ng paaralan, Parent-Teachers Association, at City Nutrition Office bilang bahagi ng programang tumutok sa pagpapabuti ng nutrisyon ng mga batang mag-aaral.
‎
Ang Salapingao Elementary School ang magsisilbing pilot school para sa programang ito, na nakatuon sa pagsusulong ng sapat na pagkain at wastong kalusugan sa mga pampublikong paaralan.
‎
Kasunod ng aktibidad, isinagawa rin ang turnover ng food supplies para sa Salapingao National High School sa pangunguna ng punong-guro nitong si Bernardita P. Azurin.

--Ads--

Ang mga supply ay inaasahang makatutulong sa nutritional support ng mga mag-aaral sa sekondarya.