Ihaharap umano ng House Prosecution Panel sa pagpapatuloy ng impeachment trial sa Lunes, August 3 ang tatlo pang testigo.

Sa isang forum, sinabi ni House Prosecutor Rep. Joel Chua na dalawa umano rito ay mula sa Commission on Audit, na maglalahad ng umano’y buod ng paggamit ng confidential funds ng bise presidente at kung nasunod ba ang Joint Circular; habang ang isa naman ay mula umano sa Department of Education.

Dagdag pa rito hindi umano kailangang matukoy kung saan napunta ang bawat kusing na ginastos mula sa confidential funds, kung mapapatunayang napunta ito sa hindi awtorisadong humawak ng nasabing pondo.

--Ads--

Samantala, ihaharap lang umano ng prosekusyon ang mga testigo at ebidensya, habang nasa depensa naman ang pagpapatunay sa panig ng bise presidente.