Dagupan City – Mga kabombo! Isa ka ba sa mga natatakot kapag nakakakita ng malalaking mga aso?

Isa kasi sa kinaantigan ng mga nitizens ang Great dane dog na si Kevin.

Kung saan ay binansagan itong tallest living male dog, ngunit hindi nangangahulugang iiwanan na lamang ito mag-isa.

--Ads--

Ang great Dane ay may record title na may habang 0.97 m (3 ft 2 in), at ang laki nito ay nasa average height ng three-year-old child.

Si Kevin ay naninirahan sa West Des Moines, Iowa, USA, kasama ang loving owners na sina Tracy at Roger Wolfe.

Kagaya naman ng ibang mga fur babies si Kevin ay mahilig ding humiga sa couch.

Nasa tinatayang 6 hanggang 10 cups naman ng pagkain ang kinakain nito araw-araw upang mamintina ang kaniyang svelte figure sa kabila ng pagiging malikot nitong aso.