DAGUPAN CITY- Nagsagawa ng talk to troops ang Lokal na Pamahalaan ng Urbiztondo sa Tri-Bureau PNP, Bureau of Fire Protection, at Bureau of Jail Management and Penology ng bayan para sa pagpapalakas ng kanilang presensya sa kumunindad.

Ang pag-uusap ay pinangunahan ng alaklde ng bayan katuwang si PMaj Rommel M. Sermbrano, Chief of Police ng Urbiztondo Municipal Police Station kung saan pinag-usapan ang mga programa at iba pang hakbangin na makakatulong sa pagpapanatili ng seguridad sa bayan.

Bukod dito ay lubos din ang naging pasasalamat ng alcalde ng bayan sa bawat ahensya sa kanilang pagsisikap para sa peace and order at gayundin ang pagttutulungan ng bawat ahensya sa pagpapalakas ng kanilang pwersa.

--Ads--