Inihayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na nagpapatuloy ang tahimik na pagbuga ng lava ng Bulkang Mayon.
Ayon kay Mariton Bornas, Chief ng Volcano Monitoring and Eruption Prediction Division ng PHIVOLCS, ang kasalukuyang aktibidad ng bulkan ay kahalintulad ng nangyari noong 2023, kung saan tumagal nang ilang buwan ang pagbuga ng lava.
Gayunpaman, binigyang-diin niya na may pagkakaiba sa kasalukuyang sitwasyon dahil natuklasan ang ground deformation o pamamaga ng bulkan, pati na rin ang deep magmatic intrusion na maaaring kasabay ng kasalukuyang pag-aalburuto.
Dagdag pa ni Bornas, hindi isinasantabi ang posibilidad ng pagkakaroon ng lava fountaining at moderately explosive activity sa mga susunod na araw, kaya’t kinakailangan ang mahigpit na pagbabantay. Via Bombo Dennis Jamito










