DAGUPAN CITY- Arestado na at kasalukuyang nasa kustodiya na ng Monnesota Police ang 57 anyos na gunman sa pagpaslang sa isang mambabatas habang pagtangka naman sa isa pa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Marissa Pascual, Bombo International News Correspondent sa USA, natagpuan nila si Vance Boelter malapit sa sarili nitong pamamahay sa Green Isle kung saan mahinahon itong sumuko sa kapulisan.

Natagpuan naman siya sa pamamagitan ng mga drone na ipinadala sa lugar.

--Ads--

Naging matagumpay ang nasabing pagkaaresto matapos makatanggap ang mga awtoridad ng mahigit 400 na tips mula sa mga tao.

Nakita naman ng mga imbestigador sa gateaway car ni Boelter ang halos 70 pangalan sa hit list nito at karamihan sa mga nakalista ay mga democrat o may mga kaugnayan sa abortion rights.

Saad pa ni Pascual, nagamit ng suspek ang karanasan nito bilang direktor ng security patrols sa isang security company sa paglapit sa mga mambabatas na kaniyang binaril.