Nasa kustodiya na ng mga kapulisan ang driver na tinakbuhan ang gas attendant matapos na ito ay mag-full tank ng kaniyang sasakyan.
Kasama ng 27-anyos na na lalaki ang kaniyang mga kaanak at ito ay boluntaryong sumuko sa Quezon City Police District Station 1.
Ayon sa mga kapulisan, nakilala ang driver at sasakyan nito matapos na makita ito sa CCTV footage.
Sinabi ng suspek na wala siyang alam na hinahanap siya ng mga otoridad kung saan nanatili iot sa kaniyang bahay sa San Jose del Monte, Bulacan maging ang sasakyan na sangkot.
Magugunitang nagpa-full tank ang suspek na nagkakahalaga ng P5,196 sa isang gasolinahan sa La Loma, Quezon City noong Marso 22 at bigla na lamang itong tumakas.
Inihahanda na ng mga otoridad ang kasong estafa laban sa sangkot na driver.










