DAGUPAN CITY- Nagkaroon ng isang surprise random drug test sa mga driver at konduktor ng mga bus sa lungsod ng Dagupan kahapon.
Ang nasabing pagsusuri ay ginawa sa terminal ng mga bus sa Perez Blvd. sa nasabing lungsod upang tiyakin ang kaligtasan ng mga biyahero, lalo na ngayon holiday season.
Ang kampanyang ito ay isinagawa ng Land Transportation Office (LTO) kasama ang mga kasamahan nilang ahensya tulad ng Philippine National Police (PNP), Department of Health (DOH), at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Tinawag nila ang kanilang proyekto na “Oplan Biyaheng Ayos Pasko 2024”.
Limampung mga driver at konduktor ang sumailalim sa random drug test kung saan naging maganda ang resulta dahil lahat ng mga nagpatest ay nag negatibo.
Ang aktibidad ay pinangunahan din ni PLTCOL Haron Rasid R. Ali, ang Deputy Provincial Director for Operations ng Pangasinan Police Provincial Office (PPO), na siyang nag-supervise sa buong proseso. Ang pagsasagawa ng ganitong mga hakbang ay naglalayong mapanatili ang kaligtasan ng mga pasahero sa buong holiday season.