DAGUPAN, CITY- Marami ang namangha sa laki ng suporta na ipinapakita ng mga fan club members ng koponan ng Japan sa kanilang laban sa FIFA World Cup 2022.

Ito kasunod na rin ng kanilang malaking upset win kontra sa Germany sa group stage game.

Ayon kay Bombo International Correspondent Hannah Galvez, dahil sa come from behin win ng mga Blue Samurai, dumami ang nagpaabot ng pagbubunyi para sa kanilang pambansang koponan.

--Ads--

Katunayan, bago pa man ang kanilang makasaysayang panalo mula sa household country sa naturang sport ay malaki na ang nabuong fan base ng Japan mula sa mga tagahangang sumusubaybay na ng kanilang mgha laro mula sa mga domestic games hanggang sa mga individual games ng mga manlalaro na naglalaro rin sa ibayong dagat sa mga commercial leagues.

Kahanga-hanga rin umano ang commitment ng mga manlalaro ng Japan bago ang world cup dahil sa kabila ng kanilang mga nilalarong mga iba’t ibang torneyo ay magsasama-sama umano sila sa isang layunin para irepresenta ang kanilang bansa sa world cup.

Bukod pa rito, sa ang FIFA 2022 ay ang ika-7 FIFA appearce nila sa loob ng 28 taon kung saan una silang nakapasok sila sa finals taong 1998 kontra sa Jamaica.