Sapat ang suplay ng NFA rice para sa taong ito subalit hindi pa ito available sa merkado.
Ayon kay Frederick B. Dulay Branch Manager, NFA Eastern Pangasinan ang nasabing suplay sa ngayon ay para lamang sa disaster and calamity response subalit pinag-aaralan na ng pamahalaan kung paano ito mai-inject ang nfa rice sa merkado.
Kaugnay nito dinala naman ang ibang suplay ng bigas sa NCR lalo na sa Batanes kung saan malaki ang pinsala ng mga nagdaang bagyo.
Pagbabahagi naman nito na patuloy ang kanilang pagbili ng palay sa mga magsasaka at aniya ay bukas ang kanilang warehouse sa bayan ng Mangaldan para bumili ng mga palay.
Bukod dito aniya ay asahan din na patuloy ang pag-aaral ng NFA para mapataas ang presyo ng palay upang mabigyan ang mga magsasaka ng magandang kita.