Nagkaroon ng pagbaba sa presyo ng itlog ngayong buwan ng Nobyembre dahil nakapagdagdag na ng bilang ng mga manok sa bansa.

Ayon kay Francis Uyehara – President, Philippine Egg Board Association bagama’t ay naghahanda na sila sa nalalapit na kapaskuhan ay inaasahan narin ang pagtaas ng demand sa itlog sa pamilihan.

Subalit aniya ay kaya namang tugunan ang demand ng mga consumers dahil narin sa pagdami ng mga alagang manok sa bansa.

--Ads--

Aniya hindi naman nakaramdam ng malaking pinsala ang poultry houses dahil ang mga farm operations ay gawa na sa bakal at semento, kabisado na rin ng mga farm owners ang paghahanda sa paglakas ng mga dumarating na bagyo kaya’t kusang loob na nilang in-upgrade ang kanilang mga poultry houses.

Kapag sila ay gumagawa ng farm ay sinisiguro na ng mga ito na dapat ay matibay para makaiwas sa malaking pinsala dulot ng bagyo.

Samantala, pagdating naman sa presyo ng itlog aniya ay ang pinakamataas na naranasan sa bansa ay umabot lamang ng P7.50 noong mga nakalipas na buwan at ngayong Nobyembre ay nakaramdam na ng pagbaba sa presyo.

Sakali mang tataas ang presyo sa disyembre aniya ay babalik lamang ito sa dating presyo.

Pagdating naman sa farm gate price ay ibang usapan naman kapag presyo sa retailers dahil nakadepende ito sa kanilang operasyon ng pagnenegosyo at wala silang kapasidad para sitahin at diktahan ang kanilang presyo.

Ang kaya lamang nilang gawin ay magmonitor at magbigay ng suggested retail prices.

Pagbabahagi naman nito sa mga consumers ng itlog na isa parin itong malaking pinagkukuhanan ng protina at ang pagkain ng itlog araw-araw ay walang problema.