Nananatiling malayo pa sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Supertyphoon Bavi, ngunit ang kanyang posibleng pagpasok sa susunod na linggo ay patuloy na binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ayon sa pinakabagong ulat ng PAGASA, inihayag ni Jun Soriano Observer I, PAGASA Dagupan City, kasalukuyang nasa labas pa rin ng PAR ang Super Typhoon Bavi, na may layong humigit-kumulang 3,000 kilometro mula sa hilagang bahagi ng bansa.

Binigyang-diin din na kung sakaling makapasok ang bagyo sa PAR, ito ay makakakuha ng lokal na pangalan na “Inday” – ika-siyam na bagyo na makakapasok sa bansa ngayong taon kapag papasok ito sa bansa maaring ito ang pinakamalakas na bagyong maitatala ngayong taon.

--Ads--

Kung ihahambing aniya ito sa nakaraang bagyong pumasok sa bansa masasabing kahalintulad nito ang Supertyphoon Uwan ngunit mas malakas pa ito ngayon dahil nasa dagat pa ito at may sapat na pinagkukunan ng lakas

Sa ngayon ay may kasalukuyang lakas na hangin na umaabot sa 240 hanggang 250 kilometro k/ph.

Ayon sa forecast, inaasahang maaaring lumapit ito sa hangganan ng Pilipinas sa susunod na linggo, ngunit hindi naman inaasahang magla-landfall sa anumang bahagi ng bansa.

Bunga ng lakas nito, malamang na tatahakin nito ang direksyon ng extreme Northern Luzon, katulad ng dinaanan ng dating bagyong Henry, at posibleng makaapekto sa ibang bansa tulad ng Guam at Marianas Island.

Bukod dito, sa ngayon ay may nararanasan tayong pag-ulan kabilang ang pagkulog at pagkidlat ngunit dulot ito ng localized thunderstorms at easterlies pero hindi pakaugnay ng Super Typhoon Bavi.

Dahil sa ulat na ito, hinihikayat ng PAGASA ang publiko na laging tumutok sa mga opisyal na bulletin at ulat ng ahensya para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa panahon