Mga kabombo! Gawain mo bang mag-uwi ng baso lalo na kun nasa loob ka ng isang bar?
Kaya mo bang isakripisyo ang iyung isang sapatos para rito?
Ganito kasi ang naging pakulo sa Belgium!
Kung saan, ang pag-uuwi ng beer glasses ng mga customers ay may kapalit na – sapatos.
Ayon sa ulat, ang bawat beer glass ay nagkakahalaga ng 90 euros o halos P6,000.
Ngunit ang twist, kung oorder ka ng special beer drink, kukunin muna ang isa sa iyong suot na sapatos bilang insurance policy na hindi mo itatakbo ang kanilang baso.
Isasauli lamang ang kapares na sapatos kapag natapos mong mainom ang kanilang 1.2-liter beer, ngunit take note, hindi naman required na maubos ang beer.
Isinasabit din umano ang mga sapatos sa tali na mahirap abutin kaya hindi basta-basta mahahablot ang mga sapatos.
May mga nagtatanong naman din kung paano nakakapagbanyo ang mga customers given na isa lang ang suot na sapatos.