Isa ang naitalang sugatan matapos sumiklab ang sunog sa isang coffee shop dito sa lungsod ng Dagupan.
Sa impormasyon mula sa Bureau of Fire Protection o BFP Dagupan nagsimula ang naturang apoy sa kusina ng naturang shop.
Ayon sa BFP, habang nagluluto umano ang kanilang kusinero, bigla umanong naalis ang hose ng LPG dahilan upang sumiklab ang apoy.
--Ads--
Agad namang dinala sa pinakamalapit na pagamutan ang naturang kusinero matapos masunog ang kanang katawan nito.
Maswerte namang walang nadamay na iba pang establishemento sa nanagyaring insidenete.
Samantala, tiniyak ng BFP na magsasagawa sila ng re-inspection sa lugar sa m ga susunod na araw.
photo taken by: Bombo Cheryl Ann Cabrera