Dagupan City – Kasalukuyan paring inaalam ng mga otoridad ang kabuuang pinsala at sanhi ng sunog na nangyari sa isang storage facility sa bayan ng Villasis.

Dahil dito, patuloy ang kanilang ginagawang imbestigasyon sa nasabing pangyayari.

Sa inisyal na imbestigasyon ng kapulisan na nangyari ito ng madaling araw noong sabado dahil sa tawga na kanilang natanggap mula sa mga saksi.

--Ads--

Nangyari ang sunog sa Barangay Unzad kung saan dito nakatayo ang nasabing pasilidad.

Malawak ang naging epekto ng sunog ngunit hindi pa matukoy kung saan ito nagumpisa.

Batay naman sa karagdagang impormasyon ng mga otoridad na nakikitang sa bubong ng pasilidad umano nagmula ang sunog ngunit benipiripika pa ito ng kinauukulan.