Sun halo, nasaksihan ng mga Pangasinense

1574

Namangha ang mga Pangasinense sa nasaksihang atmospheric phenomenon na tinatawag na “sun halo”.

Ipinaliwanag ni Evelyn Iglesias, Weather Observer III ng PAGASA Dagupan sa panayam ng Bombo Radyo na indikasyon ng nalalapit na pag-ulan o di kaya ay pagdating ng bagyo ang halo o kakaibang sinag ng araw.

Ayon kay Iglesias, nabubuo ang halo kapag ang sinag ng araw ay tumatagos sa “ice crystals” ng cirrus clouds na nakalutang sa himpapawid.

--Ads--

Matatandaan, noong 2013, namataan rin ang ganitong phenomenon sa Zamboanga. Mayroon din noong Mayo 2014 sa Legazpi, Albay at noong nakaraang taon sa Bohol. interview of Bombo Mary Rose Llanillo/Bombo Musikahan Program