Posibleng maging hot spot sa darating na 2022 elections ang bayan ng Sual, Pangasinan.
Ito ang ginawang pagbabanta ni dating Congressman Boying Celeste, kasunod ng naging pahayag ni Sual Comelec Officer Eva Quinto na karamihan sa mga transferees na nagpaparehistro sa kanilang tanggapan ay nangggaling sa bayan ng Bolinao, kabilang din ang lungsod ng Alaminos.
--Ads--
Giit ni Celeste, hindi ito papayag sa aniya’y nangyari sa nakaraang eleksyon kung saan tinakot umano ang mga botante.
Subalit posible naman aniyang maiwasan ito kung magiging patas ang lahat sa mga papayagan na magpalipat ng lugar na pagbobotohan.