DAGUPAN CITY- Opisyal nang idineklara sa bayan ng Calasiao ang State of Calamity dahil sa kanilang nararanasang malawakang pagbaha dulot n habagat na pinalala pa ng Bagyong Crising.

Inapubrabahan ng Sangguniang Bayan ang rekomendasyon ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MCRRMC) ang pagdeklara nito.

Umabot na rin kase umano sa 17 sa 24 na barangay ang lubhang naapektuhan ng baha kung saan mayroon itong higit 18,000 residente na kinailangang ilikas.

--Ads--

Malaki na rin umano ang pinsala sa kabuhayan, agrikultura, at imprastraktura sa naturang bayan habang patuloy pa rin ang banta ng pagtaas sa tubig baha.

Samantala,umabot naman sa 8 pamilya o 40 katao ang inilikas sa Barangay Longos, sa bayan ng Calasiao dahil sa nararanasan pagtaas ng tubig baha sa bayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Barangay Chairman Joseph Uson, ang iba sa mga ito ay dinala na sa evacuation center habang ang iba naman ay dinala naman sa kanilang barangay hall.

Aniya, may ilan bahagi na sa kanilang bayan ang lagpas tao na ang taas ng tubig baha partikular na sa Sitio Casindak.

Kanila naman ikinabigla ang pagtaas ng lebel ng tubig dahil sinalo umano ng kanilang barangay ang tubig mula sa kalapit lugar, lalo na sa Sinucalan River.

Saad ni Uson na simula kagabi ay inabisuhan na niya ang mga kasamahang opisyal nito upang mapaghandaan ang mga kakailanganin aksyon.

Mayroon din aniya silang traktor na handa at nakaantabay sa oras ng pangangailangan.