Nagpasa ng resolution ang Sangguniang Panlalawigan na humihingi sa IATF at LTFRB na irekonsidera ang pagbibigay ng permit para magkaroon ng biyahe ang mga provincial buses papuntang Metro Manila.

Ayon kay vice governor Mark Lambino, ginawa nila ang hakbang kasunod ng kahilingan ng mga bus companies sa lalawigan na payagan silang makapasok o dumiretso sa Metro Manila. Dahil dito kailangan pang gumamit muli ng UV express ang mag pasahero papunta sa Manila.

Bagamat binigyan na ng special permit ang mga provincial buses na makalabas na ng lalawigan pero hanggang sa NLEX terminal sa Bocaue lamang sila at may babayarin pang fee na dagdag sa kanilang pasanin. Nabatid na mataas ang renta kada isang slot at may mga loading fees pa silang bayarin.

--Ads--

Ang hiling nila ay gamitin ng mga bus companies ang kanilang existing terminal sa Manaila dahil inupgrade naman nila.

Giit pa ng transport group na tumalima naman sila sa guidelines ng LTFRB gaya ng paglalagay ng protective barrier sa pagitan ng mga pasahero.

Kaya lang ayon kay Lambino, ang mga nabanggit na mga dahilan kaya hindi umano makapagsimula ng operation ang mga bus companies at sakaling biyahe sila ay lugi naman sila dahil sa laki ng mga gastusin.

Pangasinan Vice Gov. Mark Lambino