Nasa uncharted territory ngayon ang pamunuan ng South Korea matapos tumanggi ang nakaupong pangulo sa pag-aresto dahil sa nabigong batas militar ilang araw bago mag-expire ang warrant.
Sa mga eksena noong Biyernes, pinangalagaan ng mga presidential guard at tropa ng militar ni Yoon Suk Yeol ang dating star prosecutor mula sa mga imbestigador, na pinatigil ang kanilang pagtatangka sa pag-aresto dahil sa mga alalahanin sa kaligtasan.
Matatandaan na ang presidente ng South Korea ay na-impeach at nasuspinde noong nakaraang buwan matapos ang deklarasyon ng batas militar — isang pampulitikang hakbang na mabilis na binawi ng parliament — dahil dito ay may hiwalay na warrant na inilabas kalaunan para sa kanyang pag-aresto.
Si Yoon ay nahaharap sa mga kasong kriminal ng insurreksiyon, isa sa ilang krimen na hindi napapailalim sa presidential immunity, ibig sabihin ay maaari siyang masentensiyahan ng pagkakulong o, sa pinakamalala, ang parusang kamatayan.
Kung matupad, ito ang unang pagkakataong ang nakaupong pangulo ay naaresto.