DAGUPAN CITY- Hinimok ng Social Security System ang mga employers ng pagcocomply sa tamang pagbabayad ng kontribusyon ng kanilang mga empleyado kasabay ng paglulunsad ng Nationwide Run After Contribution Evaders (RACE) Program.
Isa ang SSS Dagupan Branch ang nagsagawa ng nasabing programa kung saan nasa 10 mga employers ang kanilang bibisitahin upang mabigyan ng Notice Order na kailangan nilang magcomply sa loob ng 15 days.
Kinabibilangan ito ng 6 sa Bayambang, 2 sa Calasiao at 2 sa Dagupan City dahil nangangahulugan itong lumabag sila sa ilang violations gaya ng Non registration, Non Remittance at Underemittance o Under Reporting para makatipid sa contributions.
Ayon kay VP Vilma P. Agapito ang Division Head ng SSS Luzon Central 1 na ang RACE Program ay mandato ng kanilang tanggapan na gawin taon-taon sa lahat ng branches sa buong bansa upang matarget ang 11 operasyon sa isang taon ngunit ang naging mandato nito sa kanyang sinasakupan ay gawing 15 operasyon.