(Warning: Sensitive content, mention of murder)

DAGUPAN CITY – Nasawi ang isang lalaki matapos barilin ng presidente ng SK Federation sa Argao, Southern Cebu.

Ayon sa imbestigasyon, personal na nagtungo ang suspek sa lokasyon ng biktima, na noo’y nasa isang restobar, at pinagbabaril ito.

--Ads--

Nagtamo ang biktima ng mga sugat sa ulo at sa ibang parte ng katawan mula sa bala.

Lumalabas sa paunang imbestigasyon na ang motibo sa krimen ay isang love triangle.

Di umanoy may relasyon ang biktima sa dating nobya ng nasabing SK President.

Mabilis namang naaresto ng mga pulis ang suspek. // Via Bombo Radyo Ilo Ilo