DAGUPAN, CITY— Arestado na ang isang SK Chairman na itinuturing na Top 2 Most Wanted Person sa bayan ng Rosales.
Sa ibinahaging impormasyon ni PMaj. Arturo Melchor Jr., tagapagsalita ng Pangasinan PPO, ang naturang suspek ay si Prince Cyrus Ollero, 21 taong gulan at residente ng Carmen East sa naturang bayan at sinampahan ng kaso na may kinalaman sa Illegal Possession Of Dangerous Drugs noong nakaraan taon.
Ang pagkakaaresto sa naturang indibidwal ay base na rin sa ibinabang warrant of arrest na inissue noong May 27, 2021 ng RTC Branch 53 ng Rosales.
Nahuli ang naturang suspek sa pamamagitan ng pinagsanib pwersang aksyon ng Rosales Municipal Police Station, PIU Pangasinan PPO, 104th 2nd PMFC Tayug base at ilan pang kauganay na ahensiya sa rehiyon.
Isinagawa aniya ang naturang operasyon base na rin sa pagiimplementa sa lahat ng mga police station na lalawigan na muling suriin ang lahat ng mga inisyung warrant of arrest sa kani-kanilang mga area of responsiblity.
Sa ngayon ay nasa kustudiya na ng Rosales PNP ang naturang suspek.