Patuloy na nakararanas ng pagbaha ang siyam na barangay sa bayan ng Calasiao, Pangasinan dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan.
Ayon kay Kristine Joy Soriano, tagapagsalita ng MDRRMO Calasiao, kabilang sa mga apektadong lugar ang Talibaw, Lasip, Mancup, Longos, Lumbang at bahagi ng Poblacion East, habang patuloy ang monitoring sa iba pang mga binahang lugar.
Samantala, muling tumaas ang lebel ng tubig sa Marusay River. Mula sa 6.5 metro, umabot ito sa 7.7 metro, o nasa itaas na ng normal na lebel, bunsod ng patuloy na pag-ulan.
Pinag-iingat naman ng MDRRMO ang mga residenteng nakatira sa mabababang lugar dahil maaari pang tumaas ang tubig sakaling magpatuloy ang pag-ulan. Patuloy din ang pagmamanman sa mga ilog at iba pang lugar na madaling bahain.










