Naging tuloy-tuloy ang pagmomonitor ng mga volunteers sa 2025 National and Local ngayong araw.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan Atty. Helen Graido Director for Electoral and Technological Policies Legal Network for Truthful Elections (LENTE) bagama’t ay may naireport na discrepancies sa ilang mga presinto hinggil sa inilabas na resibo ng automated counting machine (acm) sa kanilang pagboto.
Aniya na lumalabas na nagsmudge ang tinta ng marking pen ng nasabing botante kaya’t naging 13 ang naipakitang binoto nito bagkus na 12 lamang.
Naging epektibo naman ang mga external factor na ganito upang masuri ng maigi ang mga acm’s.
Samantala, naging ligtas naman ang pagsasagawa ng halalan at umaasa ito ng mas maayos na sistema sa tuwing sasapit ang eleksiyon.