BOMBO DAGUPANNagpaalala si Dr. Rhueul Bhobis,Medical Officer IV- Center for Health Development Depart of Health Region 1, na agad pumunta sa pagamutan kung makaramdam ng ilan sa mga sintomas katulad ng lagnat, rushes, pananakit ng tyan, at pagdurugo sa gilagid.

Sa kaniyang panayam sa Bombo Radyo Dagupan, binigyan niya ng paglilinaw na tumatagal ng 5-7 days ang incubation period nito bago lumabas ang mga sintomas.

Bilang paunang lunas, importante aniyang mapataas ang oral fluid intake ng pasyente.

--Ads--

Maituturing naman na nasa malalang kalagayan na ito kung may pagdurugo na sa panloob na katawan, nagsusuka kabilang na ang dugo, nakakaranas ng sobrang pananakit ng tiyan, at hirap ng paghinga.

Pinagsinungalingan naman ni Dr. Bhobis na hindi lunas ang pagkain ng itlog pugo dahil wala itong gamot kundi ang supportive treatment ang tanging solusyon.

Samantala, dapat aniyang wasakin ang mga pinangingitlugan ng mga lamok o kaya ang paggamit ng mga proteksyon katulad ng paggamit ng insecticide.

Suportahan naman ang fogging operation kung tumataas na ang mga kaso ng dengue.