DAGUPAN CITY- Wala umanong naramdamang pagtaas o pagdadag pagdating sa singil ng kuryente ngayon ayon sa Central Pangasinan Cooperative o CENPELCO.
Ayon kay Engr. Rodrigo Corpuz, General Manager ng naturang opisina, epekto ng naranasang malamig na panahon ang dahilan kung kaya’t nabawasan ang paggamit ng mga consumers ng cooling devices o appliances.
Kaugnay nito, pagpaalala ang opisyal sa mga consumers sa tamang pagbabayad ng kanilang kuryente upang huwag magkaroon ng problema sa hinaharap at maiwasan ang pagputol sa kanilang koneksyon.
--Ads--
Samantala, puspusan naman ang ginagawang pagsasaayos sa mga linya at poste ng kuryente habang nakakaranas pa ng magandang panahon.