Dagupan City – Nandinigan ang grupong SINAG na kulang ang P50 billion kada taon upang maipagkaloob ang P29/kilo ng bigas sa lahat ng Pilipino.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Engr. Rosendo So, Chairman, Samahang Industriya ng Agrikultura, nakadepende kasi ito sa kung ilan ang target population ng Department of Agriculture na mahandugan ng P29/kilo ng bigas.
Aniya, posible naman ang P29/kilo ng bigas kung pasok ito sa P50 billion na target population.
Ngunit kung ang target ng DA ay lahat ng Pilipino, malabo aniyang maisakatuparan ito dahil nangangailangan pa ng karagdagang P150 Bilyon ang departamento alang-alang sa layunin.
Kung kaya’t dapat aniyang linawin ng pangulo at departamento kung ano at ilan ang target na makikinabang sa nasabing subsidiya.
Matatandaan na sinabi ni Agriculture Undersecretary Asis Perez ang pahayag sa joint congressional inquiry sa tumataas na presyo ng pagkain, smuggling, price manipulation, at kagutuman.
At sinabing kung kailangan aniya nilang iprayoridad kung sino ang tatanggap ng murang bigas, at ang kanilang pokus ay ang vulnerable sector.