Nagpapatunog ng kampana ang Lingayen Dagupan archdiocese bilang simbolo ng paghingi ng katarungan at pagkondina sa pagdawit sa ilang alagad ng simbahan sa kasong sedition.
Araw araw na pinatutunog ang kampana ng tatlong minuto tuwing ala- 8 ng gabi.
Hiling nilang madismiss ang nasabing kaso.
--Ads--
Matatandaan na nadawit kamakailan sa kasong sedition na isinampa ng gobyerno ang ilang alagad ng simbahang katoliko kabilang si Lingayen Dagupan archdiocese archbishop Socrates Villegas.
Kinasuhan ang ilang pari at obispo na umanoy may kinalaman sa project sodoma na naglalayong siraan ang administrasyong Duterte bagay na mariing pinabulaanan ni Villegas.