Mga kabombo! May kakilala ka bang mahilig sa burger?
Paano kung malaman mong ang sekreto pala ng isang dinarayong burger shop sa isang bansa ay ang dekada nang hindi inalis at pinaglulutang grease?
Ito lang naman kasi ang sereto ng isang sikat na burger joint sa Memphis, Tennessee na itinayo ni Elmer “Doc” Dyer noong 1912.
Ayon naman sa kasalukuyang owner nito na si Kendall Robertson, aksidente rin lang kung paano natuklasan iyon ng kanilang founder.
Kung saan, noong una at nagsisimula pa lamang ang Dyer’s Burgers, ordinaryong burger joint lang ang tingin ng mga customers dito.
Ngunit, isang araw ay nakalimutan ng isa sa mga cooks na palitan ang mantika o grease na nasa pan na ginamit na nito noong sinundang araw.
Dito na nadiskubre ang kakaibang linamnam na dala nito, dahil mas dumami na ang kanilang customers.
Mula noon, hindi na tinanggal ang grease sa pan na pinaglulutuan ng patties sa Dyer’s Burgers. Sa loob ng isang dekada, lahat ng patties ay sa orihinal na grease niluluto.
Anila, alam na ngayon ng mga customers ng Dyer’s Burgers kung ano ang secret seasonings nito. Ngunit sa halip na ma-turn off, mas dumami pa raw ang nagpa-patronize sa burger joint.
Karamihan sa mga parokyano ay pinalalagyan pa ng grease ang burger para mas malinamnam ito bago ilagay sa buns at samahan ng iba pang sangkap.
Ang burgers joint ay nakapagbebenta ng 350 hanggang 500 kilos ng ground beef kada linggo. May nakaimbak din itong 10 buckets ng grease sakaling bumigay ang mga ginagamit nilang pans.
Hindi naman nag-iisa ang Dyer’s Burgers na may ganitong sistema sa pagluluto ng kanilang pagkain. Dahil sa Otafuku sa Japan, ay nagse-serve din ang mga ito ng broth na unang tinimpla at pinakulo noon pang 1945.