Nanood ang ilang kilalang personalities sa pinakamalalaking kaganapan sa sports sa buong mundo na naganap sa New Orleans nang makuha ng Philadelphia Eagles ang Super Bowl ngayong taon 40-22 na panalo laban sa defending champions na the Kansas City Chiefs.
Ang kaganapang ito ay hindi lamang nagpakita ng pinakamagaling sa NFL ngayong season, kundi namataan din dito ang maraming Hollywood A-listers, musicians, sina Lionel Messi, Jay-Z at ni US president Donald Trump na nasa upuan sa Superdome.
Makikita rin sa larawan si Taylor Swift na nasa gitna ng dalawang Haim sisters na nanonood ng laro ng kanyang kasintahang si Travis Kelce at ang Chiefs sa kanyang pangalawang pagdalo sa Super Bowl.
Bago magsimula ang laban, ipinaklilala ng aktor na si Jon Hamm ang Chiefs habang si Bradley Cooper naman ang nagbigay ng hype para sa Eagles.