Dagupan City – Matagumpay na isinagawa ang serbisyong pangkalusugan matagumpay sa bayan ng Mangaldan.

Ang naturang inisyatiba ay handog ng tanggapan ni 4th Dist. Representative Cong. Christopher “Toff” de Venecia sa pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaan.

Pinangunahan naman ito ni Mangaldan Mayor Bona Fe de Vera-Parayno kung saan ay idinaos sa Brgy. Landas Covered Court.

--Ads--

Aktibo rin namang sumuporta si Landas Captain Bernardo Salayog Jr. katuwang ang mga Barangay Health Workers (BHW) at barangay tanods sa pagpapanatiling maayos ang pila at pagkuha ng blood pressure (BP).

Layon ng Lokal na Pamahalaan sa pakikipagtulungan sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno na lalong palakasin ang sektor ng pangkalusugan sa pamamagitan ng patuloy na pagdaraos ng iba’t ibang medical missions sa bayan.