Dagupan City – May pagkakapareho ang selebrasyon ng pasko sa Slovakia sa paggunita at nakagawiang selebrasyon ng Pilipinas.

Ayon kay James Cedrick Morales, Bombo International News Correspondent sa Slovakia, sa pananatili kasi nito sa bansa ngayong 2024, napansin na niya ang mga palamuting natatanaw din sa Pilipinas sa tuwing sasapit na ang pasko.

Gaya na lamang ng mga Christmas lights at Christmas trees na makikita sa kakalsadahan.

--Ads--

Dagdag pa ang nakagawian sa bansa na nagsasagawa ng simbang gabi, at ang exchange gifts matapos ang mga family gahterings.

Isa naman sa mga handa ng mga ito tuwing pasko ay ang hindi mawawalang tinapay, halo-halong gulay at tsokolate.