DAGUPAN CITY- Tila nawawalan na ng pag-asa ang mga otoridad sa Texas, USA na mahanap pang buhay ang mga nawawalang indibidwal dulot ng kamakailang pagbaha dahil sa inaasahang lagay ng panahon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Marissa Pascual, Bombo International News Correspondent sa nasabing bansa, patuloy pa rin ang paghahanap sa mga nawawala at inaasahang mas mahihirapan pa sila dahil sa bantang pag-ulan muli at magdulot din ng pagbaha.

Aniya, maliban sa search operation, maaari rin mapabagal ng inaasahang pag-ulan ang paglinis ng mga naiwang pinsala.

--Ads--

Samantala, nasa tinatayang umaabot sa $20 million ang pinsalang idinulot ng pagbaha.

Kulang pa at hindi sapat na masakop ito ng $15 million na donasyon mula sa publiko.

Nangako naman ang gobyerno ng Estados Unidos na maghahatid ng tulong sa mga naapektuhan para maka-rekober, kabilang na ang pagsasaayos muli ng mga pamamahay at pagbibigay ng pagkain at iba pang pangangailangan.

Marami rin aniyang tulong ang dumadating sa kanilang bansa para ipamahagi sa mga apektado ng pagbaha.

Habang ang mga insurance company naman na sakop ang napinsalang pamamahay ay ibibilang na insurance ang kabuoang pinsala.