BOMBO DAGUPAN – Inilunsad ngayong araw ang School in a Boat Project at Oath Taking ng Newly Elected Advisory Group ng Pangasinan Maritime Police Station sa Silverios Restaurant, Barangay Bonuan Gueset, dito sa lungsod ng Dagupan.

Kung saan ay dinaluhan ito ng mga representative ng bawat sektor mula sa Religious, Media, Youth, LGU, Academe, Civic Organization, Business sector at iba pa.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Pmaj. Mark Lester Uminyad, Station Chief ng Pangasinan Maritime Police Station na ang nasabing proyekto ay ang Pilot Project ng kanilang Regional Office na inisyatiba ng kanilang Regional Director na si Pbgen. Jonathan Cabal upang makatulong sa mga bata para sa kanilang preparasyon sa kanilang pag-aaral gayundin sa mga Out of School youth mula sa edad ng 4 hanggang 7 taong gulang.

--Ads--

Kasabay nito ay inorganisa na din dito ang Advisory Group kung saan naghalal sila ng mga opisyales at nagoath taking upang makatulong sa kanilang mga programa na maging stakeholders para sa komunidad.

Ikinagalak naman ni Pastor Daniel S. Gabasa ang Elected President ng Pangasinan Marpsta Advisory Group na mayroong mga ganitong proyekto ang Maritime na hindi lamang sila nagtatrabaho para sa kapakanan at kaayusan sa karagatan bagkus ay makakatulong din sila sa mga bata upang mahasa ang kanilang kaalaman sa mga basic knowledge at pagbibigay linaw sa mga trabaho ng pulis sa komunidad.