Naghigpit pa sa kanilang mamamayan ang Saudi Arabia upang labanan ang pagkalat ng corona virus disease o COVID 19.

Ayon kay bombo international correspondent Petronilo Figueroa sa Saudi Arabia, nagsimula na ang 24 hours na curfew araw araw sa nasabing bansa.

Aniya, bagaman may ipinatutupad ng lockdown sa kanilang lugar ay pinapayagan pa rin silang lumabas sa pagitan ng ala -7 ng umaga hanggang alas – tres ng hapon para bumili ng pagkain at iba pang pangangailangan.

--Ads--

Sampung libong riyal ang multa sa sinumang lalabag kung kaya naman ang mga mamamayan lalo na ang mga kapwa pilipino ay sumusunod sa kautusan dahil natatakot sila sa malaking babayaran.

Samantala, ilang kababayan natin ang nakulong dahil inabutan ng curfew at inaasikaso na ngayon ng embahada ang kanilang siyuwasyon.