Patuloy na inaalam ang tunay na sanhi ng pagbaliktad habang papalapag na ang Delta Air Lines sa Toronto Pearson International Airport.

Sa panayam ng bombo Radyo Dagupan kay Marissa Pascual Bombo International News Correspondent sa Estados Unidos, agad na dinala sa local hospitals ang mga pasahero sa kabutihang palad naman ay walang naitalang fatalities o nasawi sa insidente.

Nauna ng napaulat na walang nasawi at lahat ng 80 lulan ng pampasaherong eroplano ay ligtas na nailikas kung saan 76 dito ay mga pasahero habang 4 naman ang crew members. Habang 18 dito ang naitalang sugatan.

--Ads--

Bagama’t ay halos sunod-sunod ang mga kaparehong pangyayari gaya ng pag-crash aniya ay nagdudulot naman ito ng pangamba kaya’t mahalaga na matsek muna ang mga record ng eroplano para sa kaligtasan ng mga pasahero.

Sa ngayon, hindi pa malinaw kung paano bumaliktad ang eroplano bagamat posibleng nakaapekto dito ang malakas na hangin.

Samantala, hinggil naman sa nagpapatuloy na winter storm sa Estados Unidos aniya na apektado ang mga kakalsadahan at transportasyon doon dahil minsan ang sinasara ang mga ito dahil mapanganib.

Talamak din sa ngayon ang pagkakaroon ng flu doon dahil sa malamig na panahon.

Mabuti na lamang aniya at laging nakahanda ang mga tao roon kaya’t kapag magkakaroon man ng snow ay lagi silang may suplay.

Marahil pahirapan ang paglabas kung makapal na ang yelo lalo na rin sa pagmamaneho.