Isang napaka-seryosong problema ang mental health issue at mas lumala pa sa pagdating ng pandemya.

Ito ang pahayag ni Pangasinan second district board member Von Mark Mendoza, na nag udyok sa kanya na magpasa ng ordinansa sa Sangguniang Panlalawigan na pag ukulan ng pansin ang mental health issue.

Sa panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan, sinabi ni Mendoza na isang adhinain ng kanyang ordinansa na mapag usapan ang mental health at maging parte na ito ng mental health program at mental health policy sa lalawigan.

--Ads--

Bahagi pa ng kanyang adikain ay makapag empleyo ang probinsya ng mga psychologist at psychiatrist at magkaroon ng Mental Health Department sa mga opistal para mapalawak ang mental health services.

Naniniwala si Mendoza na kailangan na manghimasok ang provincial govenment upang mapababa ang kaso ng mental health issue sa lalawigan ng Pangasian.


Matatandaan na nakapagtala na ang lalawigan ng Pangasinan ng maraming mental disorders sa gitna ng kinakaharap na COVID-19 pandemic.

Pangasinan second district board member Von Mark Mendoza