Dagupan City – Dismissed ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan ang kasong isinampa ng ilang opisyalis laban sa alkalde ng bayan ng Binmaley.

Sa rekomendasyon ng Committee on good government and accountability of public officers, justice and human rights ay ibinasura ng Sangguniang Panlalawigan ang administrativ case no. 05-2023 laban kay Binmaley Mayor Pedro ‘Pete’ Merrera sa isinampang kasong gross negligence and dereliction of duty ng mag-amang Vice Mayor Sammy Rosario at dating Liga ng Brgy. President Jonas Rosario.

Ayon kay Mayor Merrera, nagpapasalamat ito sa mga board members sa naging desisyon at isa itong karangalan dahil napatunayan nito ang kaniyang maayos na pamamalakad sa bayan.

--Ads--

Aniya, walang naipakitang supisyenteng pweba ang complainant kaya ibinasura ang kaso.

Ipinaliwanag pa ng alkalde ang prosesong dapat gawin sa paghingi ng mga dokyumento sa Office of the Mayor kung saan hindi didirekta sa kanyang opisina.

Matatandaan na nagmula ang kaso matapos na humingi ng dukyumento sa expenditures ang Liga President sa Mayors Office na wala sa tinatawag na standard operating procedures sa gobyerno. Nilagpasan nito ang mga hakbang at prosesong dapat na gawin at idinerekta na lamang ang inihaing kaso.

Umaasa naman si Merrera na sana’y alisin ang pulitika sa mga ganitong usapin dahil nadadamay ang serbisyong kinakailangan ng kanilang bayan.