Dagupan City – Higit pa sa dekorasyon at regalo ang pagdiriwang ng pasko, yan ang ipinunto ni parish priest ng San Fabian na si Rev Fr. Posadas sa kaarawan ni Hesus at sa pagbabagong hatid ng kanyang pagdating.
Binanggit din niya na ang pinakaugat ng kasaysayan ng pagbibigayan sa pasko ay ang pagkamakasarili na siyang unang nagdulot ng pagkakasala sa tao.
Kaya naman sa pagdating ni Hesus, nabaligtad ang ganoong pag-uugali at napaalalahanan ang lahat sa kahalagahan ng pagbibigay at pagmamahalan, kaya’t naging likas sa kapaskuhan ang magbigayan ng regalo.
Binigyang-diin din ng parokya ang papel ng pamilya sa panahong ito.
Aniya, nagiging mas makahulugan ang Pasko kapag magkakasamang kumakain at nagtitipon, dahil ang samahan sa hapag ay nagsisilbing paalala ng pagkakaisa at paglingon sa pinagmulan ng pagdiriwang.
Sa pagtatapos ng mensahe, nagbigay sila ng pagbati ng isang masaya at makahulugang Pasko.
Kasabay nito, nagpahayag sila ng paalala na paghandaan hindi lamang ang selebrasyon ngayon, kundi ang sandaling muling bumalik si Hesus na dapat salubungin nang may malinis na kalooban at pamumuhay na malayo sa anumang gawang nakakasira sa kapwa.










