DAGUPAN, CITY— May tinitigan nang person of interest ang San Carlos City PNP sa motibo ng pagpatay sa isang 85-anyos na lola na pinagkamalan umanong mangkukulam sa Barangay Bacnar sa naturang siyudad.

Ayon kay PLt. Col. Jay Guillermo, Chief of Police ng San Carlos City PNP, kinilala ang biktima na si Aurora Peralta, at ang kanyang sugatang kinakasama na si Narciso Bulatao na 76-anyos na.

Base sa kanilang inisyal na imbestigasyon, napag-alaman na may nakaaway umano ang biktima at pinagbantaan na masasaktan ito at ang kinakasama dahil sa paratang na siya umano ang kumulam sa namatay nitong ama.

--Ads--
Tinig ni PLt. Col. Jay Guillermo, Chief of Police ng San Carlos City PNP

Sa ngayon ay kumakalap pa ng kaukulang mga ebidensya upang matukoy kung ito umano ang salarin sa naturang krimen.

Hinikayat din ng San Carlos PNP ang naulilang pamilya ng biktima na magsampa ng kaukulang kaso laban sa mahuhuling suspek ng naturang insidente.

Nagpalala naman si Guillermo na huwag basta-bastang magpapakalat ng tsismis lalo na sa mga pinagkakamalang mga mangkukulam upang maiwasan ang ganitong krimen. (with reports from: Bombo Lyme Perez)