Mahirap lumaki ang mga bangus lalo na sa ganitong panahon kaya’t may mga ibang magbabangus na hinaharvest na ito kaagad.
Ayon kay Christopher Aldo F. Sibayan – President Samahan ng Mga Magbabangus sa Pangasinan (SAMAPA) dahil sa ganitong mga pangyayari ay tinatake advantage na lamang ang magandang presyo ng mga isda upang makabawi sa kanilang gastos.
Gayunpaman, sa mga ganitong panahon ang mga producers at very observant sa mga gastusin lalo na ang mga may hinahabol pa na babayaran.
Aniya ay hindi naman ito nangangahulugan na hihina ang produksiyon ng bangus bagaman at may mga areas na nanahatiran na ng tulong gayundin upang magkaroon ng active registration sa tinatawag nilang ‘zoning’.
Ito ay upang mamonito nila ang kalidad gayundin ang ideal numbers sa kanilang pangisdaan marahil kapag sumobra ang bilang nito ay maapektuhan din ang paglaki.
Samantala, ang kanilang grupo ay in partnership sa BFAR upang makapagbigay ng kaalaman sa mga magbabangus sa lalawigan gayundin upang maituro ang mga programa nila sa mga fisherfolks.
Kaya’t paalala nito na ipagpatuloy ang magandang pag-contribute sa kanilang hanapbuhay dahil nandito aniya ang kanilang grupo upang makipagtulungan sa mga magbabangus sa lalawigan.