Well-organized.


Ganito isinalarawan ni Bombo International News Correspondent sa bansang Qatar na si John Delson Molina ang estado ng safety at security sa nagpapatuloy na FIFA World Cup 2022 sa naging panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan.


Aniya na maayos ang pagde-deploy ng mga FIFA Volunteers sa iba’t ibang mga hanay na nakatalaga naman sa iba’t ibang lugar upang panatilihin ang kaayusan, kaligtasan, at kapakanan ng mga football fans na nagtungo sa Qatar upang saksihan ang isa sa pinakamalaking torneo sa larangan ng palakasan.

--Ads--


Pagsasaad pa nito na hindi matatawaran ang serbisyo ng mga militar at kapulisan sa pagpapanatili ng katahimikan ng mga lugar at kaligtasan ng bawat isa.


Kaugnay naman ng nagpapatuloy na torneo ay inihayag din ni Molina na inasahan naman ng mga football fans ang mga koponan na nanalo sa mga sumunod na matches matapos hindi masungkit ng Qatar ang pagkapanalo sa official kick-off ng kompetisyon, kung saan ay nagkaroon umano aniya ng magandang laban sa pagitan ng USA at Wales.


Maliban dito ay binigyang-diin din ni Molina ang labis na naging paghahanda ng Qatar partikular na sa pagtatayo ng mga world-class stadiums, kung saan ay ikinabigla din umano ng dating pamunuan ng FIFA ang paglalaan mismo ng Qatar government ng pondo para sa mga gagamiting venues na pagdarausan ng mga laro sa nagpapatuloy na torneo.