Inaresto ng mga tauhan ng Rosales Municipal Police Station ang dalawang indibidwal sa kanilang bayan sa isinagawang buy-bust operation kamakailan kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 1.

Itinuturing ang mga suspek bilang street level individual na isang 39 taong gulang, binata, barber, residente ng Rosales at 26 taong gulang, binata, barber, residente ng Sto. Tomas.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang mga sumusunod gaya ng 5.67 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na PhP38,556.00, Buy-bust money at boodle money na nagkakahalaga ng PhP2,000.00, dalawang cellphone, dalawang sling bag, isang wallet na may iba’t ibang ID, Pera na nagkakahalagang PhP2,450.00 at isang motorsiklo.

--Ads--

Ang mga ebidensya ay naimbentaryo at minarkahan sa lugar ng pinangyarihan sa harap ng mga mandatoryong testigo at ng mga suspek, alinsunod sa itinatakda ng batas.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng Rosales MPS ang mga suspek at nahaharap sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.