Isang magandang balita kapag nagkakaroon ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo.
Ayon kay Bernard Tuliao President, AUTOPro Pangasinan bagama’t minsan ay hindi naiintindihan ang pagtaas at pagbaba ng presyo ay tolerable naman aniya ang presyo ng diesel sa lalawigan.
Mabuti na lamang at hindi umaabot ng P60 ang kada litro nito.
Malaking tulong naman aniya ang fuel subsidy ng LTFRB lalo na sa mga draybedrs at operators.
Pagbabahagi nito na simula ngayong araw May 11 ay mag-uumpisa na ang service contracting kung saan binabayaran ng P20 kada kilometro ang mga draybers.
Dahil dito ay mas guaranteed ang income nila na aniya ay maituturing na bonus araw-araw.
Samantala, para naman sa public utility jeepneys at modernized jeepneys halos 100 porsiyento na ang consolidated at kumpleto na rin ang kooperatiba na bumabiyahe.
Paalala naman nito sa publiko na lalo sa mga draybers na mag-ingat palagi lalo na sa mga aksidente sa kakalsadahan.
At kung hindi naman kaya ay magpahinga na lang muna upang matiyak ang kaligtasan.