BOMBO RADYO DAGUPAN – Isang malaking tulong sa transport sector at sa mga mananakay ang maaaring P2 roll back ngayon araw dahil posibleng bumalik umano sa dating minimum price na P12 ang pamasahe sa traditional jeepney at P14 naman sa modernized.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Bernard Tuliao, ang Presidente ng AUTOPRO Pangasinan, umaayos na ang presyo ng krudo sa bansa kaya hinihintay na lamang nila ang pagbawi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board Central Office sa Provisional Increase Fare na P1 sapagkat kumikita na din ang mga kasamahan nito sa transport sector.
Aniya, hinihiling na lamang ng mga drayber na bumalik ang dating double coding dahil magiging dalawa man sa isang linggo ang coding ng bawat sasakyan ay mas tataas naman ang kinalang kikitain.
Umaabot naman na si hindi bababa sa P300- P400 ang kinikita ng mga pangkaraniwang drayber. Maging mahaba man ang trapiko, makakabawi naman aniya sa roll back.
Dagdag pa ni Tuliao, naging maganda ang pagbalik ng krudo sa bansa kumpara sa nakaraan taon.