Mga kabombo! Kaya mo bang bumuo ng rubik’s cube? Gaano kabilis mo ito kayang gawin?
Bumuo ng isang isang robot ang magkapatid na British na may kakayanang bumuo ng 4x4x4 rubik’s cube.
Hindi ito pangkaraniwang robot dahil ito rin ang nagbigay ng world record title sa magkapatid matapos nitong makabuo ng 4x4x4 rubik’s cube sa loob ng 45.3 seconds lamang.
Parehong kinahihiligan nina Matthew at Thomas Pidden ang robotics.
Ani Matthew, naisipan niyang maging bahagi ng kaniyang undergraduate final project ang naturang robot.
Ang pagbuo nito ay isang patunay aniya sa hilig niya sa rubik’s cube at computer science.
Ang robot ay may dalawang camera para sa pagscan ng rubiks.
Mayroon din itong apat na braso para naman sa pagbuo ng cube.
Ang kanilang robot ay nahigitan pa ang record noong 2014 na may bilis lamang na 1 minute anf 18.68 seconds.










