Dagupan City – Upang mapataas ang mga ani ng bigas sa agrikultura, namahagi ang Department of Agrarian Reform (DAR) ng P21.6-Milyon sa mga farm-to-market road na proyektong ipinatupad ng pamahalaan sa Isabela.
Ang inisyatibang ito ay upang mapataas ang ani ng bigas at sektor ng agrikultura sa naturang probinsya.
Ayon kay DAR Cagayan Valley Regional Director Primo Lara, ang mga bagong farm-to-market roads ay inaasahang magpapalakas sa pangkabuhayan ng mga magsasaka.
Kung saan ay pinalakas na ng mga imprastraktura ang magbibigay ng bagong pag-asa at magpapaunlad sa agrarian communities ng cabatuan.
Layunin naman ng proyektong ito na matulungan ng pamahalaan ang mga agrarian reform beneificiaries organization sa kanilang patuloy na pagsasaka ta matiyak ang seguridad ng pagkain sa bansa.