Pinaputukan ng baril ang bahay ng pop superstar na si Rihanna sa Los Angeles noong Linggo matapos umanong magpaputok ang isang babae sa bahay nito habang nasa loob umano ang singer, ayon sa mga ulat ng media sa Estados Unidos.

Naganap ang pamamaril bandang 1:00 ng hapon nang magpaputok ang isang suspek ng humigit-kumulang 10 bala mula sa isang sasakyan na nasa kabila ng kalsada ng mansyon sa Beverly Hills area, ayon sa ulat mula sa pulisya.

Hindi umano bababa sa isang bala ang tumagos sa pader ng tirahan kung saan nakatira si Rihanna kasama ang kanyang partner na si A$AP Rocky at ang kanilang mga anak. Nasa loob umano ng bahay ang singer nang mangyari ang insidente.

--Ads--

Wala pang inilalabas na pahayag tungkol sa pamamaril ang kampo ni Rihanna.

Sinabi ng mga opisyal na ang suspek ay isang babae na nasa edad 30s na umano’y tumakas mula sa lugar bago kalaunan ay naaresto rin naman kaagad. Nakrekober din ng pulisya ang baril sa nasabing pag-aresto.

Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad kung ano ang motibo sa pag-atake.