DAGUPAN CITY- Sugatan at wala nang malay nang matagpuan ng awtoridad ang isang lalaki dito sa kahaban ng kalsada sa barangay longos San Fabian pasado alas dos ng hapon kahapon.
Ayon kay PLt. Jonathan Castillo, Duty Officer ng San Fabian PNP, batay sakanilang imbestigasyon posibleng nabangga ng rider ang concrete barrier sa kaliwang bahagi ng kalsada na siyan naging dahilan para mahulog ito sa gilid ng kalsada na nasa ilang metro rin ang lalim.
Agad namang dinala sa ospital ang biktimang walang malay matapos responde-han ng awtoridad.
Malalang sugat sa ulo at iba’t-ibang parte ng katawan ang natamo ng biktima.
Sinubukan pang gamotin sa pagamutan ang biktima pero kalauanan ay binawian din ito ng buhay.
Samantala, patuloy pang inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng Biktima habang gumugulong pa rin ang imbestigasyon ng pnp sa posibleng sangi ng nasabing aksidente.
Bagamat hindi pa tukoy kung positibo sa alcohol ang biktima bago mangyari ang insidente, paulit-ulit pa rin na paalala ng Pulisya sa mga raider na iwasang uminom ng alak tuwing magmamaneho para maiwasan ang pagkakaroon ng insidente.